‘Sensya na po, Sir…’
Once upon a time, may isang galanteng gustong mag-imbita sa kanyang mga kaibigan na mag-party sa bahay…
Mr. GALANTE: “Uy mga kaibigan, MAY PARTY AKO SA SABADO!! Kainan, Inuman, Kantahan, Sayawan… PUNTA KAYO SA BAHAY, HA…”
Pagdating ng Sabado…
(Sa gate ng bahay, may bouncer.)
GUEST: “Nandito kami para sa party…”
BOUNCER: “May dala ba kayong 10,000 pesos?”
GUEST: “HA? Anong 10,000 pesos? Akala ko ba party ito?? Inimbita kami eh.”
BOUNCER: “Sensya na, may 10,000 pesos na entrance fee sa party ni boss…”
GUEST: “Teka, eh siya mismo ang nag-imbita sa amin na pumunta rito tapos ngayon hihingan niyo kami ng 10,000 pesos na entrance fee? Sira-ulo ka ba?”
BOUNCER: “Sensya na po Sir, nakasulat po sa rules and regulations ng bahay ni Boss na pwera lang sa mga kamag-anak, lahat ng papasok dito sa bahay niya ay dapat magbayad ng 10,000 pesos entrance fee. Eto po Sir oh, eto ang Handbook namin. Kita niyo po…
Page 23, line 5:
“Everyone who is a non-relative (within 3 degrees of consanguinity) may not enter the premises, even if there is a party, unless they pay the standard entrace fee of 10,000 pesos.”
GUEST: “Walang hiya naman, nag-imbita ng party eh yun pala may entrance fee!! Sira-ulo pala yang boss niyo!! Doon na lang kami sa ibang party pupunta, at least OPEN HOUSE sila!
BOUNCER: “Sensya na po, Sir, yun po kasi ang nakasulat sa Rule Book namin eh. Tagasunod lang po kami…”
Yan ang kwento ng Pilipinas…
Mag-iimbita ng mga “FOREIGN INVESTORS” na pumunta raw sa Pilipinas.
Pagdating ng mga investors sa Pinas, meron palang mga RESTRICTIONS sa Constitution na nagsasabing kelangan muna silang maghanap ng local partner…
Kamot-ulo si investor: “AKALA KO BA INIMBITA NIYO KAMI NA MAG-INVEST, eh bakit kayo may mga kalokohang restrictions na yan???”
Tuloy, pumupunta na lang sa Singapore, Malaysia, Indonesia, Vietnam, Cambodia, India, China ang mga investors… Kawawa naman ang Pinas…
Read more about the issue by clicking here!