

Kita naman eh. Palpak na nga si Noynoy sa Luneta Hostage Crisis, binaboy niya ang relasyon natin sa halos lahat ng mga Chinese Societies tulad ng China, Hong Kong, at Taiwan, nagkaroon pa siya ng Pork Barrel scam. Ngayon ay halatang-halata ang kawalan ng husay itong si Noynoy sa kabagalan ng pagbigay ng tulong sa mga nasanta ng bagyong Yolanda.
Ang tanong ay sigurado ba kayong gusto niyong manatiling mapasailalim sa isang sistema ng gobyerno na kung saan madaling manalo ang kandidatong may sikat na pangalan o apelyido at may mga sikat na magulang o kamag-anak.
Hindi ba yan ang naging sanhi ng pagkapanalo ni Noynoy Aquino sa halalan? Ginamit ang mga magulang?
Ganyan din ang mangyayari kung panahon na ni Bimby. Eh kung umasta akala mo may-ari sila ng Pilipinas eh.
Yan ang mangyayari sa atin kung mananatili tayong napapasailalim sa Sistemang Presidensyalista. Puro na lang kasikatan at personalidad ang batayan ng pagboto. Pero kung lumipat sana tayo sa pagka-Parliamentary, wala na sanang ganyanan. Pawang magagaling lamang ang sasali sa mga eleksyon kasi nga manalo ka nga, kung wala kang kwenta, magiging kulelat ka sa mga debate at mapapahiya ka.
Alam niyo ba na ang Punong Ministro sa isang Sistemang Parlamentaryo ay kinakailangang humarap sa maraming mga taga-oposisyon upang batikusin ng harap-harap? Ganyang ang Sistemang Parlamentaryo. Kailangan ng madalas na pagdedebate at pangingilatis. Tatanungin ka at tatanungin ka ng napakaraming mga tanong.
Kung ang Punong Ministro ay tulad lang ni Noynoy Aquino na talagang walang kwenta at pikon at di marunong sumagot ng diretso, mayayari siya ng kanyang mga kadebate! Imaginin niyo, kung tinanong si Noynoy ng isang negosyante kung bakit pa ba hindi siya nagdedeklara ng batas-militar sa maliit na lugar na may gulo at hold-upper at siya mismo ay nahold-up, ang isasagot sa kanya ay “Eh hindi ka naman namatay, di ba?”
Anong klaseng pinuno ang ganyan?
Bawal ang katangahang yan sa Sistemang Parliamentaryo. Ang pinaka-pinuno, ang Punong Ministro, pati na rin ang lahat ng kanyang mga ministro ay laging tatanungin tungkol sa kanilang ginagawa at babatikusin sila sa kanilang mga pagkukulang. Hinding hindi uubra ang kabobohan at kayabangan ni Noynoy Aquino.
Kaya mga kababayan, kung pagod na kayo sa pagkakaroon ng mga walang kwentang lider tulad ni Noynoy Aquino at kung hindi niyo gustong masundan pa ito ng isang Bimby Aquino (wala na ang “Yap”, annulment diba?) na tinuruan ng kanyang inang si Kris na isiping pagmamay-ari nila ang Pilipinas, kailangan na nating itapon ang walang kwentang Presidential System.
Mag-Parliamentary System na tayo!
AYUSIN ANG PALPAK NA SALIGANG BATAS!

Ayaw niyong mag-parliamentary? Sige kayo, magiging presidente silang lahat… Pati na yung malaki…
* * *
Featured Posts