Simple lang naman eh…

Kaya nga imbes na makahanap agad ng solusyon para mapa-menos ang mga namatay dahil sa gutom at iba pa na sana’y naagapan noong maaga pa, puro na lang palusot at ka-epalan ang nangyari. Grabe, humingi nga ng tulong ang pamahalaang lokal ng Tacloban, ang bagal namang maka-respond ng National Government!
Nasobrahan pa sa mga bureaucratic procedures. May “doctrine” pa raw na dapat ang mga LGU raw ang mga First Responders. Eh nasalanta nga sila eh, pipilitin pa na sila raw ang dapat tumulong! Mismong naging biktima ang mga yan tapos gagawin pang sabihin na dapat sila ang “first responders?”
Sobrang bagal talaga ng response dahil sa Noynoying imbes na gawin ang nararapat.
Tapos may ka-epalan pa sa DSWD na kelangang mag-repack para makita ng mga biktima na galing daw sa kanila ang mga relief goods eh galing sa ibang bansa ang mga yon, hoy!
Wala na talaga. Kelangan talaga ng System Overhaul ng Pilipinas. Di na uubra itong status-quo natin. Kung Parliamentary System sana ang Pilipinas, mas madaling tanggalin ang mga pinunong palpak!
Kelangan na talaga ng tunay na pagbabago!
Basahin ang mga artikulo…
[yd_list_posts]
I believe: This is a CoRRECT™ Video with a very positive message
Walang Natira: Gloc-9's MTV Rap about the OFW Phenomenon